Cheats - Tawid

[Verse]
Humahakbang
Walang patutunguhan
Pagdurusa
Ang tanging nakikita

[Chorus]
Sana 'yan ang 'yong mabatid
Sanayan lang ang pagtawid

[Verse]
Humahadlang
Tiwalang naubusan
Pagdududa
Ang laging nanghihila

[Chorus]
Sana 'yan ang 'yong mabatid
Sanayan lang ang paghatid

[Bridge]
Saan na dadalhin
Tulay na sa bangin

Paano darating
Tuloy na sa amin
[Chorus]
Sana man lang ay nabatid
Sayang naman ang natawid

[Outro]
Humihinto
Tuluyan nang tumigil
Pagluluksa
Tayo rin ang kumitil

Comments

  • ×