toggle menu

Eypio - Pag-ibig



No'ng tangan ng nanay mo
Ang munti mong mga kamay
Ika'y tuwang-tuwa
Panatag ang loob sa damdaming
Ika'y mahal

No'ng nakilala mo ang una mong sinta
Umapaw ang saya at siya'y ibang-iba
Sinasamsam ang bawat gunita

Chorus

Hindi mo malimutan kung kailan
Nagsimulang matuto kung papaanong magmahal
At di mo malimutan kung kailan mo natikman
Ang una mong halik
Yakap na napakahigpit
Pag-ibig na tunay hanggang langit

No'ng tayo'y nagkakilala ng hindi sinasadya

Ikaw lang ang napansin
Nahuli sa isang tingin
At sa pagbati mong napakalambing

Hindi mo malimutan kung kailan
Nagsimulang matutung ikaw lang ang mahalin
At di ko malimutan kung kailan ko natikman
Ang tamis ng iyong halik
Yakap na napakahigpit
Pag-ibig mong tunay hanggang langit
Hindi mo malimutan kung kailan
Nagsimulang matutung ikaw lang ang mahalin
At di ko malimutan kung kailan ko natikman
Ang tamis ng iyong halik
Yakap na napakahigpit
Pag-ibig mong tunay hanggang langit