Ensou - Event Horizon (Ft. GUMI)

[Verse 1: GUMI]
Tanda ko pa ang langit na
Pinagmamasdan nating dalawa
Ramdam ko pa ang yakap na
Bigay mo tuwing ako'y naluluha

[Pre-Chorus: GUMI]
Ito ako
Nangangarap maibalik
Ang noon
[Chorus: GUMI]
Ang ikaw at ako
Naging ulan na luha
Ang magkasama
Naging akong nag-iisa

Asan ka man ngayon

[Verse 2: GUMI]
Pwede ko bang malakbay ang
Oras patungo sa'ting nakaraan
Pwede pa ba? Wala na bang
Pagasa na ika'y aking iyakan

[Pre-Chorus: GUMI]
Ngayon ako'y
Lumuluha, nagiisa
Asan ka ba

[Chorus: GUMI]
Ang nagmamahalan
Naging akong nagdurusa
Ang magpakailan
Naging pusong may hangganan

Asan na ba ako?
[Bridge: GUMI]
Ang araw ay nag-iisa
Ang buhay ko, nag-iiba
Dahan-dahang nalalaglag ako
Patungo sa mundo mo

[Chorus: GUMI]
Ang ikaw at ako
Naging tayong dalawa
Ang magkasama
Naging tayong masaya
Ang nagmamahalan
Naging tayong di ma’walay
Ang magpakailan
Naging tayong magkahawak kamay

Sa mundo'ng ito

Comments

  • ×