Jennylyn Mercado - Huling Paalam

[Verse 1]
Hanggang dito na lang
Kailangan nang magpaalam sa'yo, mahal
Kahit masakit, 'di ko na kayang magtagal
Ako na lang ang lalayo
Mas makakabuti sa'tin to, o tandaan
Hinding-hindi kita malilimutan

[Pre-Chorus]
At baka mahanap na ang tunay na saya
'Pag hindi natin kapiling ang isa't isa
Dahil 'di pa natin panahon, oh, kailangan nang makaahon

[Chorus]
Bulong mo sa'kin kung ano ang 'yong damdamin
Sa ating huling pagkikita, gusto sanang malaman ang nadarama
Sa'yong paggising, 'di na ako ang kapiling
'Di ko ginustong mangyari 'to
Ngunit ito na ang huling paalam sa iyo

[Verse 2]
Mahirap magpasya, pero ano pa bang magagawa?
Oh, masakit ngunit bakit hindi ko magawa na magalit?
Ba't 'di mo magawang tingnan? Ilang beses nang pinagbigyan
At ngayon, hindi mo na ako mapipigilan
[Pre-Chorus]
Walang tigil ang luha sa mga mata
'Pag tinatanong mo sa'kin kung mahal kita
Dahil 'di magbabago ngayon, oh, kailangan nang makaahon

[Chorus]
Bulong mo sa'kin kung ano ang 'yong damdamin
Sa ating huling pagkikita, gusto sanang malaman ang nadarama
Sa'yong paggising, 'di na ako ang kapiling
'Di ko ginustong mangyari 'to
Ngunit ito na ang huling paalam sa iyo

[Bridge]
Darating ang araw na may makikilala nang iba
Bago matapos ang lahat ay sana

[Chorus]
Bulong mo sa'kin kung ano ang 'yong damdamin
Sa ating huling pagkikita, gusto sanang malaman ang nadarama
Sa'yong paggising, 'di na ako ang kapiling
'Di ko ginustong mangyari 'to
Ngunit ito na ang huling paalam sa iyo

[Outro]
Sa iyo

Comments

  • ×