Pagsasalin Sa Filipino - Hazbin Hotel - More Than Anything (Pagsasalin Sa Filipino)

[LUCIFER, sinasalita]
Charlie! Intindihin mo, 'di sila makikinig
Sa akin nga hindi, paano pa kaya sayo

[CHARLIE, sinasalita]
Baka maiba ngayon!

[LUCIFER, sinasalita]
Hindi
(kinanta)
Noong panahon ko pa, sinubukan ko din 'yan
Pangarap ko'y di maitanggol
At sa ngayon, 'di ko kayang mawalan
Pagkat ikaw lang ang mayroon ako
Higit sa lahat, higit sa lahat
Magulang mo ako, anak, higit sa lahat

[CHARLIE, sinasalita]
'Tay, 'di niyo nako kailangan protektahan

[LUCIFER, sinasalita]
Ayoko lang na mahirapan ka sa kanila tu—
Tulad ko

[CHARLIE, sinasalita]
'Tay
(kinanta)
Nung bata pa, hadlang ang makilala kita
Nais kitang puntahan
Kwento mo saki'y mga aliwan
Mga munting pangarap mo, pinakinggan ko
Nagpalagay na ika'y ako
At hanggang ngayon, sa iyo ako natutong
Ipaglaban mga pangarap ko
Higit sa lahat, higit sa lahat
Ako ang kanlungan nila, higit sa lahat
[LUCIFER, CHARLIE, PAREHO]
Matagal nako'y naghihintay
Kilalanin? Ako din 'tay
Andami mo pala na namana
Mula sayo pa
Pati ngiti ba
Ako'y umaasa, sa ating pagtagpo ay
Magkakapitan at di na papagitan muli
Kasi ngayon, nagkalapit tayo
Pangarap mo'y itataguyod ko
Salamat sa iyo?
Higit sa lahat, higit sa lahat
Higit sa lahat, higit sa lahat
Nagpapasalamat akong naging anak kita
Nagpapasalamat akong naging ama kita
Higit sa lahat

Comments

  • ×